Across the universe |
I want to witness a miracle |

: Start the day with Celeste Legaspi’s “Mamang Sorbetero”, brings so many memories of my childhood, iba pa rin talaga ang tama ng mga tagalog songs.
All About Him - Auburn
LSS.
Sa hindi inaaasahang Ba’t ‘di pa patulan Saan nga ba patungo, Lalalala…
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas saýo
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pag-sinta
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga’t kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba’t di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba ‘to sa hangin
‘Wag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako’t nakikinig saýo
Hooohh… hoooohh…
Hooohh… hoooohh…
Hooohh… hoooohh…
You could be happy and I won’t know
But you weren’t happy the day I watched you go
And all the things that I wished I had not said
Are played in loops ‘till it’s madness in my head
Is it too late to remind you how we were
But not our last days of silence, screaming, blur
Most of what I remember makes me sure
I should have stopped you from walking out the door
You could be happy, I hope you are
You made me happier than I’d been by far
Somehow everything I own smells of you
And for the tiniest moment it’s all not true
Do the things that you always wanted to
Without me there to hold you back, don’t think, just do
More than anything I want to see you, girl
Take a glorious bite out of the whole world
Friendster, Twitter, Plurk, Tumblr.. Kahit anong trip mo, kahit anong piliin mo.. Sigurado madami kang makikilala na tao. May artistahin na kalimitan magaling sa Adobe Photoshop at mga tao namang mukhang Pokemon.. ang cu-cute.
Pero ang hindi ko malilimutan na social networking site ay ang Facebook, hindi dahil sa may restaurant ako dito, may farm, may fish pond, may bar.. Hindi din dahil mas mabilis siya sa Friendster, mas madaming feature at applications, hindi din dahil sa pwede akong mag-like at magcomment, at lalong hindi dahil may chat box ito.
Plok (Nag-pop sa IM sa chatbox sa Facebook)
“Hi.”
“Hello”
“Sup?”
“KetSUP”
“Korny”
“Ang mais”
“Kulit mo”
“Mas makulit ka”
“Cute ng ilong mo”
“Ewan, namistas pa”
“Hindi nga, cute nga”
“LOL”
“Asl mo?”
“READ MY PROFILE!”
“Sungit mo naman, tatanda ka nyan agad”
“Ayan, nabasa ko na”
”?”
“Taga Alabang ka pala”
“Opo, bakit? Ikaw?”
“READ MY PROFILE”
“Line ko yan, tse.”, napangiti ako.
“Haha, joke. Sungit mo kasi eh, di naman ako pangit ah. Taga Pedro Gil ako”
“Layo”
“Di naman”
“18 ka pala, of legal age na. Pwede na”
“Oo, 18 na ako. Kaka-18 lang”
“Ows?”
“Oo.”
“Ah, nung 20”
“Oh, kamusta ang birthday? Belated. Hehe”
“Okay, salamat. Ordinary.”
“Ah, simple is beautiful nga di ba? At least you’re okay, and you’re with your family, tama?”
“Opo”
“Cute mo talaga”
“Salamat”
“Yun lang?”
“Opo”
“Bakit ang cold mo sa akin?”
“Di naman ah”
“Pwede bang malaman ang number mo?”
“Bakit?”
“Wala naman, text text?”
“Huh”
“Ayaw mo ba? Sorry”
Tiningnan ko ang profile n’ya.
Zeay Madrigal
May 6, 1989
Pedro Gil, Philippines
Binuksan ko ang profile pictures n’ya. Gwapo siya. Maputi, matipuno alaga sa gym at diet, makinis, mukhang modelo.
Plok
“Okay lang po, globe ako”
“Ayos, globe din ako. So ano number mo?”
“09171234567”
“Salamat ha. Text kita maya”
“Okay.”
Zeay is offline
Ako si Gelo. Tahimik. Loner ako, mas komportable ako na mag-isa kasi tingin ko kapag may kasama ako, nakakaabala sila sa mga gusto kong gawin, kaya solo flight ako sa canteen, sa library, at sa mga activity sa classroom. Nasanay na ako na ganito simula bata pa ako kaya marahil hirap akong makihalubilo sa mga tao, paputul-putol akong magsalita sa harap ng mga kaklase ko kapag reporting. Siguro ito yung epekto kapag single parent na ang magulang mo, kapag maagang nag-asawa ang mga kapatid mo at hirap kayo sa buhay kaya wala kang makausap na kinasayan mo na ang katahimikan.
May angkin daw akong talino sabi ng aking mga guro kaya kulang daw ako sa self-esteem at socialization para mag-improve ang personality ko. Pero sa totoo lang, pakialam ko ba sa sinasabi nila, basta para sa akin.. Makatapos lang ako, sapat na. Wala na akong inaasam na iba pa. At pagkatapos-tapos ko ng kolehiyo ay mag-aapply ako agad kahit ano, basta may trabaho agad at kumita ng pera. Masarap namang mabuhay kaya lang mahirap kapag wala kang pera. Nakakapanliit sa sarili.
Okay na sa akin na may pamasahe balikan mula sa paaralan at bahay, singkwenta pesos na badyets ko sa pagkain buong araw, at unlimited text sa cell phone ko. Masaya sa ako doon. Kompleto na ang araw ko noon. Gusto ko laging pumapasok kasi pakiramdam ko, sa unang hakbang ko mula sa gate ng paaralan ay naiiwan sa labas ang mga isipin ko, ang mga problema ng buhay, at ligtas ako dahil hindi sila makakapasok sa gate, takot na lang nila sa mga brusko na gwardiya.
Mahilig akong mag-computer. Hindi tulad ng karaniwang ginagawa ng mga ka-edad na lalaki ko na naglalaro ng DOTA, SF o RF. Karaniwang ginagawa ko ay blogging at social networking, kasi ito yung nagiging daan para magkaroon ako ng boses, para mapansin ako.
“Mahilig ka bang manood ng romance films?”
“Eh pumupunta ka ba Dangwa para lang masilayan ang mga bulaklak kasi nasasabik kang mabigyan nun?”
“Laman ba ng Mp3 player mo ay puro mga mellow at love songs?”
“Nakakaramdam ka ba ng kirot sa dibdib pag may nakikita kang magkahawak kamay o masayang magkasintahan sa paglalakad mo?”
“O kaya lagi mong status sa Facebook ay quotations na tungkol sa love o sa nararamdaman mo?”
Kung ganyan ka, isang kang hopeless romantic.
Hopeless romantic. Hindi mo alam? Ganito yun,ikaw yun taong “in na in” sa love, naniniwala sa true love, sa happily ever after tulad sa mga fairy tales na kwinekwento sa’yo ng Lola mo o Nanay. Ikaw yung tipo ng tao na mapangarap sa love, sinasabi nila na madrama ka pero sa totoo lang eh sentimental ka lang talaga, pinapahalagahan mo ang nararamdaman mo at ang pag-ibig, at sinasabuhay mo ang bawat bagay na naiisipan mo na magbibigay saya sa taong mahal mo.
Tama di ba?
Ako ay ikaw.. dati.
Matagal na din yun, dalawang taon na din ang nakalipas.
Di ko naman sinasabi na okay ako, pero hindi na ako nakakaramdam eh, wag mong sabihin na manhid ako. Nakakaramdam ako, pero hindi ko na alam kung paano magpahalaga. Gusto mong malaman ang kwento ko? Sige. Ikwekwento ko sa’yo.
Paulit ulit ;P
BOTH!
WHEW!